Hiniwalayan ng ka-live-in, nagbigti

NAGPATIWAKAL ang 30-anyos na lalaki makaraang hindi makayanan ang lungkot nang hiwalayan ng kanyang live-in partner sa Sta. Ana, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Anthony Mer Parina, ng 1866 Agosto Francisco st., Sta Ana, Manila, isinugod pa sa pagamutan ng Sta. Ana Hospital subalit namatay din habang nilalapatan ng lunas.

Sa report ni SPO1  Milbert Balinggan ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 3 ng hapon nitong Lunes ng hapon nang naganap ang insidente sa loob ng kuwarto ng biktima.

Nabatid na 11 ng umaga nang huling makitang buhay ang biktima matapos kumain ng umagahan hanggang sa umakayat na at nagkulong sa kanyang kuwarto.

Ayon sa ina ni Parina na si Mercidita, nagtataka umano siya bakit hindi lumalabas ng kwarto ang anak kaya pinuntahan niya ito.

Nang  buksan ang pinto ay tumambad sa kanya ang nakabigti na anak gamit ang nylon cord.

Hinala ni Mercidita na may kinalaman ang pakikipaghiwalay ng ka-live in ng anak sa kanyang pagpapatiwakal. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply