HIV patients sa Mandaluyong dumarami

NABAHALA na ang pamahalaang lungsod ng Mandaluyong sa lalong pagdami ng mga residente na nagkakaroon ng sakit na human Immune Virus (HIV).

Ayon kay Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos, may pitong kaso sila ng HIV at ang dalawa sa mga ito ay namatay na, una ay nitong Enero at ang pangalawa ay nitong Pebrero.

Gayunman hindi na binanggit ng alkalde  ang kasarian ng dalawang namatay.

“Mayroon kaming pitong kaso ng HIV at dalawa sa kanila ay namatay na, kaya labis na kaming nakakabahala,” ani Abalos kasabay ng isinagawang “courtesy call”  sa kanyang tanggapan ng mga bagong halal na opisyal ng Metro East-Rizal Press Organization (MERPO) sa pamumuno ng sumulat.

Kaugnay nito, sinabi ni Abalos na magsasagawa na sila ng “full awareness campaign” sa mga barangay para maiwasan ang pagkalat ng nasabing sakit at pagdami ng mga indibidwal na nagkakaroon nito.

Inatasan na rin  niya ang city health department ng lungsod na isailalim sa masusing pagsisiyayat ang lahat ng aplikante na kumukuha ng medical certificate at tiyakin na ligtas sa HIV bago bigyan ng sertipikasyon.

Nabatid na ang tatlo sa pitong may HIV sa lungsod ay pawang nagtatrabaho bilang mga call center agents na kasalukuyang tinaguriang “prone’ sa nasabing “deadly virus.”

Sa inisyal na pag-aaral ng city health department ng Mandalayong, lumalabas na nakukuha ang HIV sa pamamagitan ng “heterosexual intercourse” o lalaki sa kapwa lalaki na pakikipagtalik, sumunod ang homosexual at bisexual relation at iba pa. Jhie Convocar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply