Holdaper nanlaban sa mga pulis, tepok

TEPOK ang isang holdaper makaraang manlaban sa mga pulis habang ihihahain ang kanyang warrant.

Nakilala ang suspek na si Anastacio Galindo, ng Brgy. Manaulan Badiangan, Iloilo, na may
nakabinbin na kasong robbery. Nakatakda sanang igawad ang kanyang warrant nang maabutan ng mga pulis na kasalukuyang nagpaplano ng panibagong panghuhold-up kasama ang kanyang grupo.

Nanlaban ang grupo ni Galindo at sa kasamaang palad ay tinamaan ito sa dibdib na ikinamatay nito.

Narekober sa suspek ang isang kalibre 38 at mga basyo ng bala habang arestado naman ang isang kasamahan nito na si Ricky Calambro matapos makuha sa kanya ang isang apple type na granada.

Kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang mga kasamahan ni Galindo na nakatakas. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply