Japan products banned sa Hong Kong

SINIMULAN na ng Hong Kong ang pagpigil na makapasok ang lahat ng uri ng produktong pagkain mula sa Japanese prefectures na posible umanong kontaminado ng radiation.

Ang ipinairal na ban ay epektibo ngayong Huwebes, Marso 24, sa mga produkto tulad ng gatas, karne, gulay at seafood na inimpake simula noong Marso 11 matapos rumagasa ang tsunami na nakapinsala sa nuclear power plant.

Batay sa ulat, ang reactor ay nagkalat ng radiation na umabot 12-mile (20-kilometro) radius sa paligid ng complex.

Upang makatiyak na hindi makasasama ang mga produkto sa malawak na lugar, pinairal na rin ng Japan ang pagpipigil sa pag-angkat ng mga produktong pagkain na kung saan isa ang U.S na humarang sa pag-iimport ng pagkaing gawa sa Japan.

Kaugnay nito sa ginawang pagsusuri ng Tokyo sa tap water, lumalabas sa kanilang pagsusuri na ang tubig ay ligtas para inumin ng mga bata o sanggol.

Maliban sa mga lugar na Fukusinma, Ibaraki, Tochigi, Gunma at Chiba prefecture, makapapasok lamang ang ibang produkto na dumaan sa pagsusuri at may tatak na  certified as safe. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply