Huling umaga na kaya ng 3 Pinoy sa tsina ngayon?

NGAYONG umaga nakatakdang bitayin sa Tsina sina Sally Ordinario- Villanueva, Ramon Credo at Elizabeth Batain.

Sinentensiyahan sila ng bitay ng hukuman ng Tsina dahil sa drug trafficking batay sa ipinasok nilang mahigit tig-4 kilong heroine bawat isa roon.

Pinaiiral ang parusang bitay sa mga trafficker ng 50 gramo pataas na heroine.

May pag-asa pa bang maisalba sila mula sa kamatayan? Ang tiyak na sagot diyan ay meron o wala, peryud.

Kung wala, wala nang usapan at pamimiliin na lang ang mga pamilya kung susunugin ang kanilang mga bangkay o iuuwi ang mga ito sa repablik ni Juan.

Kung meron,  maituturing na milagro ang anomang pagkakasalba sa kanila sa kamatayan.

Maaaring maabsuwelto sila nang tuluyan o maibaba kaya sa mas mababang uri ng parusa ang kanilang sentensiya gaya ng habambuhay na pagkabilanggo.

oOo

Lethal injection, ala Leo Echegaray, ang istayl sa pagbitay sa tatlo, Suki.

Bago sila turukan ng lason na napakatindi para tiyak silang mamamatay, igagapos muna sila upang hindi sila makagalaw.

Pero gaya ng ginagawa sa atin noong may lethal injection o electric chair, sa huling sandali ay maghihintay ang mga berdugo ng huling tawag mula sa bosing ng Tsina o sinomang awtorisado na mag-uutos kung ano ang ending ng lahat.

Kung walang haharang sa bitay, sa pamamagitan ng tawag o personal apirans, di end na ang lahat.

Isa sa mga dapat idalangin siguro ay ang hindi pagkakaroon ng brawnawt sa bitayan para bukas ang lahat ng linya ng telepono at hindi magkalindol upang hindi magiba ang mga kalsada at  matrapik ang pipigil sa bitayan.

Pero kung wala na talagang milagro rito, gawin nating leksyon ang lahat ng naganap dito. Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply