‘Humps’ ibabawal na sa Maynila
PINAALALAHANAN ni Manila City Engineer Armand Andres na ipinagbabawal na ang paglalagay ng mga “humps” sa kalsada sa Maynila bilang seguridad sa mga motorist.
Ayon kay Andres, may ipinatutupad na city ordinance ang lungsod na hindi maglagay ng mga humps sa anumang kalsada sa lungsod dahil nagiging sagabal ito sa mga responde sa emergency cases.
Sinabi ni Andres na marami ang nagrereklamo sa humps dahil ito ang kadalasang nagiging sanhi ng mga aksidente.
Bagama’t para rin sa seguridad ng mga residente, sinabi ni Andres na hindi naman maaaring basta na lamang ipatupad ang paglalagay ng humps kung hindi aprubado ng city council.
Gayunman, aminado si Andres na may humps sa ilang lugar sa lungsod subalit hindi na lamang ito inaalis dahil wala namang nagrereklamo.
Samantala, sinabi naman ni Engr. Alex Mohammad ng MMDA na sinisimulan na nila ang paglilinis ng mga creek at ilog sa pakikipagtulungan ng City of Manila upang maiwasan ang anumang pagbabara at pag-apaw ng mga ito.
Aniya, delikado ang mga ito sa kalusugan ng mga residente na naninirahan sa mga creek sa lungsod. Verlin Ruiz
You must be logged in to post a comment Login