Ian’s Melody pinalungkot si Ho Ho Ho

TINAWANAN lamang ng tersero liyamadong Ian’s Melody ang kalabang si Ho Ho Ho matapos manalo sa Class Division 2 race na ginanap sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite Martes ng gabi.

Nakipaglutsahan si Ian’s Melody kay Backyard Bully paglabas ng aparato habang ang top choice na si Ho Ho Ho ay nagkukumahog sa pang anim na puwesto.

Papasok ng hometurn nagsisimula ng angkinin ni Ian’s Melody na ginabayan ni class D rider Ronald C. Baldonido ang unahan upang hindi na papormahin ang humahabol na si Ho Ho Ho.

“Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong makaporma si Ho Ho Ho, ng mapansin ko na malayo siya sa largahan ay kumapit na ako sa unahan para tumulin ang pacing.” paliwanag ni Baldonido.

Tinawid ni Ian’s Melody ang meta ng may limang kabayo ang agwat sa nasegundong si Backyard Bully kung saan ay 1:02.4 ang naitalang tiyempo nito sa distansyang 1,000 meter race.

Tumersero si Gomdor habang pumang-apat lamang ang dismayadong si Ho Ho Ho na sinakyan ni class B jockey RH Silva.

Samantala, sinilat din ni Royal Family ang mga favorites na sina Just Like It at Pribce Carlo sa Class Division 1A.

Napantayan ni third choice Royal Family ang kanyang best time na 1:11 sa 1,100 meter race.

“Bago tumakbo sabi ko magawa lamang ni Royal Family ‘yung best time niya sigurado may pag-asa na kaming manalo.” masayang sabi ni class C rider Dominador H. Borbe hinete ng winning horse. Elech Dawa

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply