Ibang transport group hindi lalahok sa strike

SA KABILA ng transport caravan na inilunsad ng Pinag-isang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) bukas, Huwebes, ay tuloy naman ang biyahe ng iba’t ibang transport group sa ilalim ng 1 United Transports Alliance Koalisyon (1-Utak).

Ito ang tiniyak ni Orlando Marquez, spokesperson ng 1-UTAK, na resulta ng isinagawang emergency meeting ng mga opisyal at mga miyembro ng central committee ng kanilang grupo.

Ayon kay Marquez, kanilang iginagalang ang desisyon ng ibang kasamang transport group na maglunsad ng transport caravan ngunit, aniya, hindi sila sasama sa nasabing caravan.

Ani Marquez, sapat na ang ibinigay na subsidy ng gobyerno sa mga public utility vehicle (PUV), lalo na sa hanay ng jeepney.

Natutuwa rin umano ang 1-Utak sa desisyon ng gobyerno sa ilalim ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang pagsusulong ng modernization program, lalo na ang paggamit ng mga iba’t ibang alternative fuel tulad ng mga programang re-powering, Compress Natural Gas, Bio-Diesel, at Electric Vehicle.   Alex Ching

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply