Ika-anim panalo kakabigin ng Smart Gilas

IPAGPAPATULOY ng Smart Gilas Pilipinas ang pamamayani sa PBA Commissioner’s Cup sa pagsabak laban sa B-Meg Derby Ace (2-4) habang lalaruin ng Meralco Bolts ang Powerade Tigers sa paghahangad na maisukbit ang pangalawang panalo sa Araneta Coliseum.

Ang mga laro na idinaraos sa Big Dome bukas, Miyerkules, Marso 23, na kung saan itatala ng nakukundisyong Smart Gilas Nationals ang pananatili sa tuktok ng standings kasunod ng pagpapataob sa Talk N Text; Alaska Aces; Air21 Express; San Miguel Beermen; at Rain or Shine; ayon sa pagkakasunod-sunod.

Samantala, ang runner-up ng katatapos na PBA All-Filipino Conference na San Miguel Beermen ay nakasadlak sa ilalim ng 10-team standings sa tangang 1-5 win-loss slate ay patuloy pa rin nangangapa sa kabila ng pagkakakuha sa 3 bagong top recruits mula sa Air21 Express.

Lalo pang nalagay sa balag ng alanganin ang beermen ng magkapilay ang import nilang si David Yang na nakuha sa huling laro nila laban sa sister team na Gin Kings na kung saan sila ay dumapa sa iskor na 94-106.

Sa labanan ng San Miguel kontra Talk N Text sa Araneta Coliseum sa Biyernes, Marso 26, ay kinakailangan ng pangkat ni coach Atu Agustin na makaahon para maiwasan mapatalsik sa susunod na round. Radito Torres

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply