Illegal logging sa Lemery mga pulis ang padrino

KAMAKAILAN ay sumumpa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na kanilang dudurugin ang mga illegal logger sa bansa.

Tingnan natin kung gaano katotoo ang pagmamayabang na ito ni DENR Sec. Ramon Paje.

Sec. Paje, sa Brgy. Sinisian, Lemery, Batangas ay may isang illegal logger na nagngangalang Jay R alyas Nano na nagtatawid ng mga kahoy galing sa Mindoro.

Mayabang ang illegal logger na ito dahil ipinagmamayabang niya na malakas daw siya sa mga pulis ng Lemery at Calaca, Batangas.

Basahin ninyo ang nilalaman ng text message ng ating impormante.

Sir Jonnny, gud pm. Paki-diaryo mo itong Jay R alyas Nano ng Brgy. Sinisian, Lemery, Batangas na nagtatawid ng kahoy ng illegal logging galing sa Mindoro. Minsan sa bayan ng Lemery at kung minsan sa Calaca nila idinaraong.

Ipinagmamalaki niya na malakas siya sa mga pulis Lemery at Calaca kaya di siya nahuhuli.

Pati ang barangay kapitan nila sa Brgy. Sinisian, Lemery na si Kapitan Reyes na taga-kanila ay kanyang pinagyayabang na kumpleto siya ng bigay sa barangay kaya hindi kayang matinag ang kanyang iligal.

Paki-atensyon mo lang ang hepe ng Lemery at si Provincial Director.

Thanks.

BOOKIES NG STL SA BATANGAS, PADER

Gumawi tayo muli sa lalawigan ng Batangas, doon  sa bayan ng San Juan na kung saan ay talamak ang operasyon ng bookies ng STL ni Kap. Nelson.

Ipinagmamayabang ni Kap. Nelson na hindi matitinag ang bookies ng STL nito sa San Juan dahil sa malakas siya kay San Juan Mayor Rodolfo Manalo.

Walang bukambibig ang mamang ito kundi ang kanyang nagsisilbing protektor na si Mayor Manalo.

Magkano……?

Anomang mga reklamo o puna ay itext lang sa 09189274764, 092667192-69 o email juandesabog @ yahoo. com. Johnny Magalona

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply