Ilocos Norte nilindol

NILINDOL na may magnitude 5.2 ang Ilocos Norte, madaling-araw, Marso 10.

Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, ang epicenter ng naturang lindol ay tumama malapit sa dalampasigan ng Ilocos Norte kaya hindi na gaanong naramdaman ng mga residente.

Bandang 1:57a.m nang makapagtala ng lindol sa layong 101 kilometro sa hilagang silangan ng Laoag City.

Naramdaman ang intensity two sa Pasuquin at Sarrat, pati na sa lungsod ng Laoag.

Samantala, nakapagrehistro naman ng pagyanig na 6.6 magnitude sa Papua New Guinea, habang 6.2 magnitude naman sa bansang Japan, na aftershocks sa naganap na 7.2 quake na natukoy kahapon.

Kaugnay nito, kampante ang Phivolcs na walang epekto sa Pilipinas ang panibagong malakas na lindol sa Papua New Guinea at Japan. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply