Imbestigahan ang dating mayordoma ni Imelda

DAPAT daw na imbestigahan ni PCGG Chair Andy Bautista itong mayordoma raw ni Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos dahil sa di maipaliwanag na mga kayamanan nito.

Marami  ang hindi makapaniwala na ang isang dating mayordoma lang ni Mrs. Marcos na si Mommy Ilao ay magkaroon ng malapalasyong bahay raw sa Sta. Maria, Bulacan.

Bukod pa rito ang malalawak na lupain at magagarang kotse.

Ano pa ang hinihintay ninyo PCGG Chair Bautista, ang tapalan kayo?

Basahin natin ang nilalaman ng kahilingan ng isang constituent ng Sta. Maria.

Gud pm Sir Johnny. Dapat ay maimbestigahan ni PCGG Chairman Andy Bautista ang mayordoma ni Imelda Marcos na si Mommy Ilao sa Sta.  Maria, Bulacan dahil sa pagkakaroon niya ng malalaking bahay, malalawak na lupain at magagarang kotse. Sapagkat sa pangalan niya nakapangalan ang mga kayamanan ng Marcoses sa abroad. Ang tubo ay buwan-buwan kung i-widthraw niya at milyon-milyong piso kung iuwi niya sa Pilipinas.

Sana ay pagtuunan ito ng pansin ng gobyernong Aquino para makita nila ang pinagmamalaki  nilang “matuwid na daan.”

VK cop walang takot palibahasa pulis

Walang takot ang mga vk operator na pulis na mag-operate ng kanilang mga makina sa Parañaque, palibhasa katwiran ng mga  pulis na kabaro nila ang mga manghuhuli sa kanila.

Ang mga VK cop na ito ay sina alyas Noynoy, Capt. Caise, Antonino at isang civilian na nakilala lamang sa alyas na Vic.

Ang masakit nito, yung isa sa mga taga-Mayor’s Squad ng Parañaque na ang name ay Wandy ang umano’y nagpoproteksyon sa mga VK cop ng Parañaque.

Anomang mga reklamo o puna ay itext lamang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog @ yahoo. com-Johnny Magalona

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply