Imbestigahan ang kalupitan ng kapulisan sa Jala-Jala

NAPAKASAKLAP ng  pagkamatay ng 50 años na babae na trabahador sa isang pasugalan na ni-raid ng mga kapulisan noong gabi ng March 25, 2011 sa Brgy. Lubo, Jala-Jala, Rizal.

Sa takot ng biktima ay sinumpong siya ng high-blood na siyang dahilan ng kanyang maagang pagkamatay.

Nabatid sa kuwento na noong March 25, 2011,  alas-10:00 ng gabi ay ni-reyd ng mga tarantadong pulis ng Jala-Jala ang  pasugalang pinagtatrabahuhan ng biktima sa nasabing lugar.

Okey sana ang ginawang pag-reyd ng mga pulis sa pasugalan.

Pero ang hindi okey sa ginawa ng mga ito ay ang sobrang harrassment dahil ang mga nang-reyd na pulis ay pawang mga naka-sibilyan at kuntodo bonet pa.

Pero ang pinakamasakit sa mga ginawa ng mga tarantadong pulis ay ang pagtutok nila ng baril sa biktima at pagkaladkad sa kanya papalabas sa kabila ng pagmamakaawa nito.

Biruin ninyo, habang kaladkad daw ng mga walang-hiyang pulis ng Jala-Jala ang biktima kahit nahubaran na ito ng damit ay hindi rin pinag-bigyan ang pakiusap nito na tratuhin siyang tao.

Sa halip na pakinggan ng mga pulis ang pakiusap ng biktima ay patuloy pa rin siyang kinakaladkad hanggang sa sumpungin siya ng high-blood na  ikinamatay  na rin nito. (Itutuloy)

OPERATION NG VK SA N.E. DI MAPATIGIL

Sa halip na tumigil sa pag-ooperate ng sangkatutak na mga makina (VK) sa San Antonio, Nueva Ecija at Cabanatuan City itong bata ni San Antonio Mayor Arvin Salonga na si PO2 Cruz ay buong tapang pa itong nagmamayabang na hindi siya natatakot na ma-diaryo.

Ano ba ‘yan R-3RD Gen. Allan Purisima, si Mayor Salonga ang ipinagmamalaki kaya hindi siya natatakot  kaninoman.

oOo

Anomang reklamo o puna ay itext lamang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo.com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply