Imbestigasyon sa ‘torture video’ aksaya sa oras

HINDI na dapat umanong magsayang ng oras at pondo ng taumbayan para siyasatin ang alegasyon ng pagmamaltrato sa mga sinasanay sa pagkasundalo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa lumutang na “torture video.”

Ayon kay  House Committee on National Defense and Security Vice-Chairman at Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento, sadya namang kinakailangang dumaan sa matitinding pagsasanay at sa malupit na sitwasyon, pisikal man o emosyon ang mga papasok sa AFP.

“Sadya  ring  aniyang  walang  karapatan  ang  mga  lampa  sa  militar”, dagdag  pa ng  solon

Naniniwala  ang  mambabatas  na  ang tanging layon  ng nasabing pagsasanay ay upang makita kung   makayanan ng mga trainee ang higit pang pagsubok at hirap lalo na sa panahon na sila ay sasabak na sa giyera para protektahan ang seguridad ng taumbayan at demokrasya.

Sinabi ni Sarmiento na hindi naman papasok lang ng call center o magiging beautician ang mga sinasanay sa pagka-sundalo upang hindi sumailalim sa mabigat na pisikal na pagsasanay.

Aniya, may mga pagkakataon sa buhay ng isang sundalo ang makaranas ng lubusan paghihirap  lalo kung siya ay nahaharap sa labanan at kung wala karampatang pagsasanay at  kahandaan sa anumang sitwasyon ay maaaring  mabigo sa kanilang misyon o kaya ay maaaring malagay sa panganib ang kanilang buhay at kanilang mga kasamahan.

“ It’s a crying shame to hear the AFP brass meekly promising an investigation about this incident whereas it’s very obvious that the main motive of the group that set off this controversy was to spite and embarrass our soldiers,” hirit ni Sarmiento. Beth Aragon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply