‘Impeach report’ na kay PNoy na via email

INAMIN ni Sen. Teofisto Guingona III na nagpadala ng kopya ang Blue Ribbon Committee hinggil sa inimbestigahang anomalya sa Armed Forces of the Philippines na nagrerekomendang patalsikin na si Ombudsman Merceditas Gutierrez sa pamamagitan ng email.

Sa panayam bago magsimula ang sesyon nitong Martes, Marso 15, sinabi ni Guingona na walang masamang magpadala ng kopya sa Palasyo kahit hindi pangkaraniwang ginagawa ng Senado ang naturang pagkilos.

“We sent it by email,” tugon ni Guingona kung paano ipinadala sa Palasyo ang kopya ng Impeached Merci Report.

“I voluntarily gave it. Yeah, it is not a common practice but it is in the hope that it will be also acted upon because there are recommendations  to  the Office of the President.  It’ s more on their appreciation so that they can study it.  So that they could have a copy and study it,” ayon kay Guingona.

Ipinagtanggol pa ni Guingona na judgment call niya ang pagpapadala ng kopya kay Pangulong Benigno Aquino dahil maraming gustong kumuha ng kopya upang makatulong sa Palasyo sa isasagawang imbestigasyon sa naturang katiwalian.

Nakatakdang isampa sa Huwebes, Marso 16, ang orihinal na kopya ng committee report sa Bills and Index Division ng Senado upang tuluyang ikalendaryo upang pagdebatehan sa plenaryo ang nilalaman ng report.

“I give it voluntarily and that is my judgment call, kanya-kanya tayo ng judgment call and I did not gave it as a party member,” giit pa ni Guingona.

Aniya, ihahain sana nitong Martes ang kopya sa Bills and Index, ngunit hiniling ni Sen. Edgardo Angara na ipagpabukas na upang masusing mapag-aralan ang nilalaman ng Impeached Merci report.

Sinabi pa ni Guingona na walang isyu sa pagpapadala niya ng kopya sa Palasyo, bagkus dapat umanong suriing mabuti ng mga kritiko ang tunay na isyung lumitaw sa isinagawang imbestigasyon ng Blue Ribbon sa plea bargaining agreement ni Garcia. Ernie Reyes

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply