Impeachment case kay Merci aakyat na sa Senado

TULAD ng inaasahan, nanaig ang bilang ng mga kongresistang nais na ma-impeach si Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Ganap na alas 12:14 Martes ng madaling araw, Marso 22, ng magbotohan kung saan 210 ang bomoto ng yes, 47 ang no at apat naman ang nag-abstain.

Ang sesyon ay nagsimula bandang alas 4:00 Lunes ng hapon.

Hanggang sa matapos ang botohan ay hindi umalis ng plenaryo si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal–Arroyo at si Negros Rep. Jules Ledesma.

Matapos ang botohan ay muling nag-roll call para naman ipaliwanag ng mga kongresista ang kanilang boto.

Agad namang nagpulasan ang mga kongresista pagkatapos ng botohan.

Sa article of impeachment ay kailangan lamang ang botong 1/3 o 95 na boto ng mga mambabatas bago maiakyat sa Senado ang committee report ng committee on justice.  Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply