Impeachment kay Merci ipinagpaliban

MATAPOS maihain ang House Resolution 1089 o ang article of impeachment ay pansamantalang itinabi ng Kamara ang usapin ng pagpapatalsik kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Ito ay sa dahilang ilalaan ng mga kongresista ang araw na ito sa debate ukol sa pagpapaliban ng eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na nakatakda sana sa Agosto 8, 2011.

Binigyang-diin ni House Asst. Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas na ngayong naisumite na ng House Committee on Justice ang pitong pahinang article of impeachment ay hindi naman kailangang madaliin ang pag-aakyat nito sa Senado bagkus ay itinakda ang botohan nito sa plenaryo sa Martes at Miyerkules, Marso 22 at 23.

“There is no need to speed up the sending of the Articles of Impeachment to the Senate, considering that they [Senate] already hinted that they would attend to the impeachment by May. The Senate won’t delay this. They can [decision on] this before our sine dine adjournment on June 29 ,” paliwanag ni Fariñas.

Ang HR 1089 ay pangunahing inakda nina House Committee on Justice chairman at Iloilo Rep. Niel Tupas, Jr., Deputy Speaker Lorenzo Tañada 3rd at Bayan Muna Party-list Rep. Neri Colmenares.

Samantala, buo na ang 10 tatayong prosecutors sa sandaling maiakyat na sa Senado ang article of impeachment.

Itinalaga naman si Marikina Rep. at Deputy Majority Leader Miro Quimbo bilang spokesperson.

Nakatakda namang pangalanan anumang araw ang dalawang abogadang kongresista na karagdagan sa prosecutors at ang isa ay karagdagang spokesperson.  Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login