Impeachment ng mga mahistrado ‘di prayoridad ng Kamara

HINDI muna haharapin ng Kamara de Representantes ang pagpapa-impeach sa mga mahistrado ng Korte Suprema.

Ito ang inihayag ni House Speaker Feliciano Belmonte sa press conference dahil ang pangunahin aniyang pagtutuunan ng pansin ng mga kongresista ay ang prosekusyon laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez sa Senado.

“Well, you know all of us are free to pursue everything but I personally would say let’s go easy on the impeachment particularly of the SC justices at this time and let’s concentrate on what we have now.”

Naunang ibinunyag ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Farinas na siya ay magsasampa ng impeachment complaint laban sa mga mahistado na nag-isyu ng  status quo ante order para antalain ang impeachment proceedings sa Kamara.

Samantala, pinag-aaralan na ng Kamara ang paglalaan ng pondong P5 milyon para sa operational expenses ng prosecution team.

Kabilang sa prosekusyon sina Iloilo Rep. at Justice Committee Chairman  Niel Tupas Jr, Senior Vice Chair Rodolfo Farinas at Deputy Speaker Lorenzo Tanada, III. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply