Impeachment ni Ombudsman Gutierrez

MATAPOS ang matagal na pagkabinbin, sa wakas ay umusad na rin ang iniharap na impeachment laban kay Ombudswoman Merciditas Gutierrez.

Sa huling ulat, mayorya ng  mambabatas sa Kongreso ang bumoto o sumang-ayon  para isulong ang impeachment.
Good news ito para sa mga indibidwal na naghahanap ng hustisya sa kanilang mga iniharap na sumbong sa Office of the Ombudsman.

Subalit masamang balita para sa ipinagharap ng impeachment na si Ombudswoman Mercy Gutierrez.

Ngunit sa isang banda, tama sigurong maisulong na ang impeachment para malaman ang katotohanan sa likod ng mga paratang kay Gutierrez.

Dahil, kasi, ang taumbayan ay naguguluhan sa mga naglalabasang balita tungkol sa kapalpakan umano ng Ombudswoman.

Kung mapatutunayang nagkasala sa mga paratang, si Gutierrez ay matatanggal sa  puwesto, iyan ay probisyon sa umiiral na  batas.

Ito rin ang unang pagkakataon na umusad ang impeachment complaint laban sa isang mataas ng opisyal ng gobyerno.

Kumbaga, uukit ito ng kasaysayan, ‘di lamang sa opisina ng Ombudsman, kundi sa daragdag ito sa mayamang istorya ng korapsiyon sa bansa.

Tama rin na may isang sumulong o umusad na impeachment ng isang mataas na opisyal ng pamahalaan.

Dahil, naniniwala tayong ang sinang-ayunang impeachment ni Gutierrez ng mga mambabatas ay magsisilbing ‘aral’ sa mga opisyal ng gobyerno para magtrabaho ng tama at naaayon sa itinatadhana ng batas.

Paging Laguna Gov.  ER Ejercito

Diyan pala sa Laguna, nagkalat ang bookies ng Small town Lottery (STL) sa maraming bayan.

Katulad ng pa-bookies ni Edwin Ulaso sa Sta. Rosa, Dante Alvarez sa Calamba, Cabuyao at San Pedro at Leo sa Binan.

Tulad ng bookies, namamayagpag din ang sakla ni Wik sa Los Banos, VK ni Decena sa Binan, VK ni Dante Amante sa San Pablo, vk ni Umbay sa Sta. Cruz at vk ni Tita sa Calamba.

Ang peryahan na may mga sugalan ni Funny sa Calamba, Bong ng Sta. Rosa at Jhun ng San Pablo.

Paging Gov. ER Ejercito.- Bong Padua

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply