Impeachment report ng House nakabitin pa rin

NAKABITIN pa rin ang pagtalakay ng House impeachment report laban kay Ombudsman  Merceditas  Gutierrez sa plenaryo dahil sa  kawalan ng quorum ng sesyon noong Miyerkules, Marso 16.

Maging ang panukalang pagpapaliban ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) elections ay naudlot ding pagdebatihan sa kabila na ito ay isa sa prayoridad ng Kamara de Representantes bago mag-session break sa  Marso 25.

Nabigong maaprubahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang pagpapaliban ng ARMM elections  matapos na hindi matuloy ang debate sa ikalawang pagbasa ng naturang panukala.

Diringgin at pagdedebatihan na sana ang nasabing panukala, subalit hinarang naman ito ni Deputy Minority Leader Marc Douglas Cagas dahi sa kawalan ng quorum at nagpasyang i-adjourn ang sesyon.

Ayon kay Quezon Rep. Lorenzo “Erin” Tanada III, House  Deputy Speaker, na bagama’t tatalakayin ang pagpapaliban ng ARMM election sa Lunes,inaasahan ding itutuloy ang interpellations kaugnay sa impeachment case ni Gutierrez na umano’y prayoridad ng Kamara.

Paliwanag pa ng kongresista. kapag maagang natapos ang impeachment report ay itutuloy naman nila ang interpellation kaugnay sa pagpapaliban ng ARMM elections dahil kailangang matapos ang deadline sa pag-apruba nito sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kongreso. Beth Aragon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply