Impeachment vs Gutierrez tatapusin bago ang Marso 24

TATAPUSIN umano ng House committee on justice ang pagdinig sa dalawang impeachment cases laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez bago mag recess ang Kongreso sa Marso 24.

Sinabi ni committee chairman at Iloilo Rep. Niel Tupas Jr., na susunod  na tatalakayin  ng komite ang pagtukoy ng “probable cause” sa dalawang reklamo . Itinakada din ng komite ang pagdinig ngayong Miyerkules, Huwebes at Lunes.

Tinukoy nitong Martes na “sufficient in grounds”  ang reklamo laban kay Gutirrez.. Apatnapu’t dalawang (42) miyembro ng justice committee ang bumoto na may sapat na basehan para ipagpatuloy ang pagdinig sa mga reklamo laban kay Gutierrez habang 12 mambabatas naman ang komontra.

Batay sa panuntunan, mangangailangan ng “one-third vote ” ng 283 miyembro ng House of Representatives para maikyat sa Senado ang complaints at masimulan ang impeachment trial.

“We notified the office of the Ombudsman that even if she, although she did not file her answer, still she has the right to present evidence according, under the rules of impeachment and she will be given a chance on Thursday,” ani Rep. Neil Tupas Jr., chairman ng komite.

Una rito, mainit na pinagdebatehan ng komite ang isyu kung dapat bang ituloy ang pagdinig sa impeachment proceedings o antayin muna ang final ruling ng Supreme Court (SC) sa inihaing motion for reconsideration ni Gutierrez.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply