SC justices irereklamo sa Kamara ni Fariñas

NAGBIGAY na ng hudyat  si  House  Senior Vice  Chairman ng Committee on  Justice  at  1st district  Ilocos  Norte  Rep. Rodolfo  Fariñas ng kanyang  pagkasa  ng  impeachment  complaints laban sa mga  hukom ng  Korte  Suprema.

Bagamat  aniya may  dalawang  kaso na ang kasalukuyang hawak laban sa pitong justices, maaari  pa aniyang madagdagan ito  mula  sa  mga  indibidwal na  reklamo  laban sa iba pang hukom ng  Kataas-taasang Hukuman.

Inihayag  ng mambabatas  sa  publiko na  bukas  ang kanyang  tanggapan  sa  South Wing  room  415 sa  House  of  Representatives upang  tumanggap  ng mga  reklamo  laban  sa  SC justices.

Nilinaw  din ni Fariñas  na  ang layunin ng kanyang pagsasampa ng  kasong impeachment  sa mga  husgado  ng  SC, maging  sa  Chief  Justice  ay upang  ipakita na  maaari ring panagutin  ang   Kataas-taasang  Hukuman kung mali ang kanilang ginagawa.

Naniniwala  ang mambabatas na  hindi  ikakahina  ng  Korte  Suprema  ang   kanyang gagawing  reklamo sa SC justices kung titingnan ito sa positibong paraan.

“Nais ko lamang ipakita na hindi  lahat  tama  ang  nagiging  desisyon o sinasabi ng  SC ay tama,” ani Fariñas.

Ipinunto ng  solon na  walang  karapatan ang  SC na  mag-impeach  kundi ang   Kongreso  lamang  dahil ito lamang ang  may karapatan na magpatalsik   ng  sinumang appointed officials ng gobyerno.

Tiniyak  naman ng  solon na kanyang isasalubong  ang mga  kasong  impeachment  complaint laban sa SC  justices sa   state of  the nation (SONA)  ng  Pangulo  Noynoy Aquino sa Hulyo 4, Lunes. Beth Aragon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply