Importasyon ng bigas mababawasan

MABABAWASAN umano ang importasyon ng bigas ngayong 2011 dahil sa nasimulang food self–sufficiency program ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala  ang bansa ay hindi na mapapabilang sa world’s biggest importer ng bigas dahil magkakaroon na ng maganda at maunlad na ani ng palay ang mga magsasaka ngayong summer.

Sa pahayag ni Alcala sa ginanap na DA 2012 internal budget hearing at planning workshop Lunes, Marso 7, na dinaluhan ng  mahigit 100 opisyal, sinabi nito na sa unang semester ng palay production ay makaka-produce ang bansa ng 7.6 milyon tonelada ng bigas.

Sa pagtaya ng Bureau of Agricultural Statistics ng DA, aniya, mas malaki ito ng 15 porsiyento kumpara noong nakaraang taon.

Malaki ang paniwala ni Alcala tungkol dito dahil sa mahusay na pagpapatupad ng irrigation system, pagsasaayos ng mga post-harvest facilities at pagtatayo ng mga farm-to-market roads, lalo na sa  Mindanao na ang palay production target ngayong taon ay 17.46 milyong tonelada. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply