Importer ng langis kinasuhan ng DOJ

ISANG opisyal ng kumpanyang nag-iimport ng langis ang sinampahan ng kasong smuggling ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ).

Kinilala ni Customs Commissioner Angelito Alvarez ang respondent na si Rosario Tolentino Mamaril, Reports and Compliance Officer ng Filpride na may tanggapan sa Subic Freeport Zone, Olongapo City.

Nabatid ng BOC na umangkat ang Filpride Resources Incorporated (Filpride) ng mahigit 100 bariles ng krudo mula sa Thailand noong November 11, 2010 na nagkakahalaga ng mahigit P408-milyon pero nadiskubre na nagbayad lamang ito ng P76-milyon ng Value Added Tax (VAT) para sa 80,300 bariles ng krudo.

Sinabi ni Customs Deputy Commissioner Gregorio Chavez na underpaid ang Filpride ng P6,915,755 na halaga ng buwis para sa 22,500 bariles ng krudo na nagkakahalaga ng mahigit P57-milyon na hindi nito idineklara.

Dahil dito, pinagbabayad din ng BOC ang kumpanya ng P408,855,827 na kabuuang halaga ng inangkat nilang krudo dahil iyon umano ay dapat naikumpiska pabor sa gobyerno.

Bukod kay Mamaril, isinama rin sa charge sheet ang ilang mga ‘di pinangalanang customs employee na umano’y nagbigay ng pahintulot sa Filpride para makaiwas sa pagbabayad ng tamang buwis. Teresa Tavares

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply