Importer ng palm oil ginogoyo ang gobyerno

KINASUHAN ng Bureau of Customs ang isang malaking importer ng palm oil na inaangkat sa Malaysia dahil sa pagpapababa nito sa idinedeklarang halaga mula noong Enero 2010 hanggang Pebrero ngayong taon.

Sa halip na P50 kada kilo sa refined bleached at deodorized (RBD) palm oil ay P6.60 kada kilo lamang ang idinedeklara nito.

Ang mga opisyal at broker ng Trans-Asia Philippines Manufacturing Industry na sangkot sa sobrang undervaluation at iba pang panloloko sa custom revenues ay sina Jason UY Sio, import manager at Customs broker na sina Benjamin P.Valic, Elinda V. Dumalaog at Joey M.Laurente.  Kasama din sa kaso ang iba pang empleyado ng Customs na direkta o indirektang nagsabwatan sa pagpapalabas ng mga kargamentong palm oil.

Natuklasan ng RATS (Run After The Smugglers) ng Customs na ang ibang importers ay nagbabayad ng $1.18 kada kilo sa kaparehong palm oil samantalang ang TransAsia ay $0.15 lamang kada kilo.

Sa kagustuhang makapanloko ng P199 milyon sa pandaraya ng mga resibo, pinagbabayad ng Customs ang TransAsia ng mahigit sa dalawang bilyon. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply