Ina napatay sa sakal, sampal ng 2 anak

NAPATAY sa sakal at sampal ng dalawang anak na babae ang kanilang 77 taong gulang na ina sa Bacolod City.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, napatay sa sampal ng mga anak na sina Jocelyn at Delia Prudente ang kanilang ina na si Rosalia Prudente, ng Purok Lampirong, Brgy. 2, Bacolod City.

Nabatid na nag-away ang mag-iina kung saan sinampal umano ni Jocelyn ang matanda habang sinakal naman ni Delia ito dahilan upang tumumba ang biktima.

Kaagad na isinugod ang ina sa ospital ngunit idineklara na itong dead on arrival. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply