Indian national nilamog ng limang sekyu

NAGHARAP ng reklamo sa himpilan ng pulisya ang isang Indian national makaraang bugbugin ng limang secutiy guard ng isang club sa Pasay City.

Nagtamo ng sugat at pasa sa katawan si  Satesh Chulani, 37, businessman, ng Sta Ana St. Magallanes Village, Makati City matapos bugbugin ng mga security guard ng Fire House Night Club, sa EDSA Complex.

Batay sa pahayag ng biktima, dakong 4:00 ng madaling-araw nitong Martes nang umorder siya ng isang bote ng beer ngunit sa halip na ibigay ang kanyang hinihingi ay ibinigay umano ng waiter ang kanyang bill na kanyang ikinagalit.

Agad namang tinawag ng waiter ang  kanilang manager na siyang kumausap sa kanya at nagpaliwanag na magsasara na sila kaya hindi na maaaring dagdagan ng biktima ang kanyang order.

Dahil dito ay nagpasya ang biktima na umalis na lang pero paglabas niya sa nasabing establisimiyento ay laking gulat niya nang bigla siyang inatake ng suntok ng isa sa mga security guard at sumunod naman ang apat pa nitong kasama.

Nang hindi na makapanlaban ang biktima ay iniwanan na lamang ng mga nambugbog na security guard ang biktima sa labas ng club.

Tinulungan naman ng mga nakasaksi ang biktima na agad na sinamahan sa tanggapan ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay City Police upang ireklamo ang mga suspek.Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply