Indian national patay sa ‘ Rizal police’

PATAY ang isang Indian national matapos manlaban sa apat armadong kalalakihan na nagpakilalang mga pulis nang tangkain siyang kidnapin sa Angono, Rizal.

Kinilala ang namatay si Pardeep Singh, 29, negosyante, Indian National, ng Junmar Homes Subd., Barangay Dalig, Antipolo City.

Sa imbestigasyon, bandang 9:40 ng umaga nang maganap ang insidente sa Purok-111, Zone 1, Yupanggco Cotton Mills, Barangay Mahabang Parang habang ang biktima ay sakay ng kanyang mototsiklo (5654-UJ).

Nabatid na maniningil ng mga pautang ang biktima nang harangin ng Silver Nissan Sentra boxtype na kotse sakay ang mga armadong salarin.

Matapos tutukan ng baril ay kilaladkad ang biktima ng apat saka pilit na isinasakay sa kotse subalit nanlaban si Singh dahilan para makatakbo pero agad siyang pinagbabaril ng isa sa mga kidnaper.

Nang makita ng mga suspek na marami ang nakakita sa krimen ay nagpakilalang mga pulis ang apat bago nagsitakas. Jun Ferrer

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply