Iniwan ng GF, driver nagbigti

NAGBIGTI ang isang driver matapos hindi matanggap ang pagkalas sa kanya ng nobya sa Malabon City.

Patay na nang idating sa Pagamutan Lungsod ng Malabon si Rogelio Punit ng Katarungan St., Muzon, nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong 12 ng tanghali nitong Sabado nang makitang nakabigti ng electrical cord ang biktima sa loob ng kanilang bahay.

Sa pahayag ng kapatid ng biktima na si Sarah, 19, namalengke pa ang kanyang kuya at pag-uwi ay nagkulong na sa loob ng kanyang kuwarto.

Nang mananghalian na ay tinawag ni Sarah ang kapatid subalit hindi ito sumasagot dahilan upang pasukin sa kwarto at makitang nakabigti na.

Nabatid na labis na dinamdam ng biktima ang pagkalas ng nobyang nakilala lang sa pangalang Rosa. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply