Inquiry kinopo ang Animo Cup race

NILAMPASO ni Inquiry ang kanyang mga katunggali sa Animo Cup IV (CD2) na ginanap sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite Sabado ng hapon, Marso 26.

Dahil sa tagumpay ni Inquiry na ginabayan ni class A rider Val Ramos Dilema, nakopo nito ang premyong P50,000 handog ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI)

Sumegundo si Simple Beauty na sinundan naman nina Black Label at Gold Money.

Tinuhog naman ni Tensile Strenght ang Archers ’87 Cup (3yo SC) para makuha ang premyong P15,000 bigay ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) at P50,000 na inisponsoran naman ng MJCI.

Walang nagawa ang isa sa mga liyamado na si Perfect Timing sa tulin at lakas ng resistensya ni Tensile Strenght.

Dismayado rin ang mga racing aficionados sa ipinakitang performance ni Perfect Timing dahil pumang-lima lamang siyang tumawid ng meta.

“Walang binatbat.” inis na sinabi ni Ricardo B. Fernandez isang karerista. “hindi man lang nakitaan ng magandang laban.”

Sumegundo si Sir Ferdinand habang pangatlo ang kalahok na si Windy Wind. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply