Inter-agency committee vs oil crisis binuo

BINUO na ng Department of Energy ang inter-agency committee na tututok sa pagresolba at implementasyon ng mga aksyon sa pinangangambahang tuluyang kakapusan sa suplay ng langis sa bansa.

Ito’y makaraang ipag-utos ang pagbuo nito ni Pangulong Benigno Aquino III.

Pamumunuan ang komite ni Energy Secretary Jose Rene Almendras at bubuuin ng mga kinatawan buhat sa Department of the Interior and Local Government, Department of National Defense at Department of Finance.

Malaki naman ang paniwala ng Department of Energy (DOE) na babalik sa normal ang suplay at presyo ng petrolyo sa oras na magtapos na ang kaguluhan sa mga bansang nagsu-suplay nito sa mundo.

Ipinaliwanag ni Almendras na hindi lamang ang Pilipinas ang nakararanas ng krisis kundi ang buong mundo kaya kailangan na lamang gumawa ng pamamaraan upang malagpasan.

May posibilidad naman na mamahagi ng “gas coupons” ang DOE sa mga motorista upang maiwasan ang punic buying.

Ito ang inihayag ni Energy Undersecretary Jose Layug kasabay ng pagpawi ng pangamba sa kakapusan ng suplay ng langis makaraang umaksyon na umano ang Saudi Arabia at iba pang bansa na kaanib ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) para punuan ang kakulangan sa suplay sa langis dulot ng kaguluhan sa Libya.

Ngunit sakaling magkagipitan umano sa suplay ng langis, inaayos ng DOE ang listahan ng mga industriya na bibigyan ng prayoridad habang irarasyon naman ang petrolyo sa mga motorista gamit ang coupon cards. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply