International drug syndicate pinilayan ng NBI

ARESTADO ang apat  na foreign nationals na sangkot sa pag-recruit ng Filipino drug couriers at massive credit card fraud ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa  backtrack  operation sa Bacoor, Cavite noong Marso 17.

Iprinisinta ni Vice President Jejomar Binay sa media Lunes, Marso 21, ang mga naarestong banyaga na sina Nigerian Dickson Bola Akinbode, Botswanian Bathshegi Thato Lazarus at Africans Ousmane Diouma Bah at Ade femi Adeleke.

Sa isinagawang imbestigayson ng NBI-Reaction, Arrest and Interdiction Division (RAID) na pinangunahan ni Atty. Ross Jonathan Galicia, isang ‘di pinangalanang complainant ang ni-recruit umano ni Akinbode na mag-transport ng ilegal na droga kapalit $3000 hanggang $5000 bawat biyahe at may kasamang pocket money at libreng round trip plane tickets at hotel accommodation.

Gayunman, habang pinag-iisipan pa ng complainant ang nasabing proposal ay naghanap pa ng iba pang biyahero si Akinbode kung saan napag-alamang  konektado sina Bah, Lazarus at Adeke sa pamamagitan ng online frauds.

Narekober naman sa mga suspek ang mga computer units at airline tickets na ginagamit ng mga suspek sa pakikipag-transaksyon.

Sasampahan ang mga supek ng Violation of Republic Act 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) in relation to Republic Act no. 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003), illegal recruitment committed by a syndicate  in a  large scale defined under Republic Act No. 8042 (Migrant Workers Act of 1995) at Violation of Access Devises Regulation Act of 2003 (RA No. 8484) sa Office of the State Prosecutor ng Department of Justice.

Samantala,  tatlo pang babae kabilang ang isang Vietnamese na sangkot sa pagdadala ng droga ang nadakip sa isinagawang operasyon ng nasabing ahensya laban sa mga miyembro ng West African Drug Syndicate (WADS).

Kinilala ang mga suspek na sina Carmelita Daisy Bustamante, Maria Britannica Maldo at ang Vietnamese na si Than Thuy Ngoc.

Si Bustamante na isang titser sa Cambodia ay naaresto noong Marso 11,2011 sa Ninoy International Airport Terminal 1 matapos lumapag galing Thailand lulan ng Thai Airways at nakatakdang ideliver ang 2.25 liters ng Liquefied cocaine na nakalagay sa dalawang malaking bote ng shampoo.

Isang nagngangalang May umano ang nag-utos kay Britanicca na kunin ang nasabing droga kay Bustamante kung saan sa pamamagitan ng yahoo messenger ay pinade-deliver ni May ang droga kay Britanicca sa isang Vietnamese national.

Sa pamamagitan ng intelligence report ng ahensya ay muling nagsagawa ng controlled delivery operation noong Marso 18  ang NBI na nagresulta ng pagkaaresto ni Ngoc.

Paglabag sa Section 5 (transportation of Dangerous Drugs) ang isasampang kaso laban kay Bustamante sa Offioce of the City Prosecutor sa Pasay City habang paglabag sa Section 26 in relation to Section 5 (Conspiracy to Transport Dangerous Drugs) naman ang isasampa laban kay Britannicca. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply