Internet service sa PH mahal na, mabagal pa

NAKATAKDANG imbestigahan ng House committee on information and communications ang umano’y “unfair practices” ng  telecommunications companies sa kanilang broadband Internet service sa bansa dahil  kahit ito ang pinakamahal na  internet service sa buong Asya ay pinakamabagal naman.

Ang hiling na imbestigasyon ay nakasaad sa House Resolution 890 na ipinasa ni Act Teachers Rep. Antonio Tinio na naglalayon umanong mapabuti ang  serbisyo ng  internet broadband connections sa bansa.

Ayon kay Tinio, patuloy pa ring nararanasan ng mga  Filipino internet users ang iba’t ibang  problema sa paggamit ng  broadband  internet  tulad ng mabagal o unreliable internet services, mataas na bayad, unnecessary conditionalities for subscription at marami pang iba.

Sinabi ni Tinio na ang average internet broadband download speed sa bansa na 1.5 mbps ay pang 139 sa kabuuang 185 bansa kung  saan ito ang  pinakamabagal  kumpara  sa mga  lower  per  capita income  na  bansa tulad ng bansang  Rwanda na may average  speed na 10.1 mbps.

Ayon kay Tinio, inihayag ng  consumer advocacy group na TXTPower na may ilang telecommunications companies na may  pandaraya at  pang-aabuso sa mga consumers sa pamamagitan ng maling  advertisements, kabilang  ang paggamit ng  terminong  “unlimited” non-delivery ng  services,

“The group also alleged that these companies practiced data-capping, questionable burstible speeds, long contract periods and pre-termination fees,” ani Tinio

Sinabi ni Tinio na ang National Telecommunications Commission (NTC)  ay walang klarong depinisyon at guidelines sa  broadband internet standards, kung ikukumpara  ito sa mga developed and developing countries.

Kabilang  sa mga  co-author ng  panukala ay sina  Majority Leader Neptali Gonzales II  ng Mandaluyong City, Rep. Edcel Lagman ng Albay at mga  miyembro ng Committee on Rules. Beth Aragon

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply