Interpolasyon sa impeachment patuloy pa rin sa Kamara

HANGGANG 11:00 Lunes ng gabi, Marso 21, ay patuloy pa rin ang interpolasyon ng minorya sa isa sa mga nag-sponsor ng committee on Justice report 778 o article of impeachment laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Matapos kusang tumanggi si Iloilo Rep. Neil Tupas Jr., chairman ng komite na sagutin ang interpelasyon ng kaniyang ninong na si Iloilo Rep. Buboy Syjuco ay si Ilocos Norte Rep. Rodolfo Farinas, vice chairman ng committee on justice, ang ngayon ay sumasagot sa mga katanungan ni Lagman.

Sinalag ni Farinas ang mga unparliamentary languages ni Syjuco laban kay Tupas na siyang nagtulak kay Majority Leader Neptali Gonzales na isailalim na ito sa Ethics complaint.

Pansamantalang sinuspendi ang sesyon at agad na kinausap si Syjuco at agad naming binawi ni Gonzales ang kaniyang mosyon.

Matapos ang apat na sponsorship speeches nina Tupas, Farinas, Deputy Speakers Raul Daza at Erin Tanada, III ay agad na pumila para mag-interpollate sina Reps. Danilo Suarez (Quezon), Rodante Marcoleta (Alagad partylist),Simeon Datumanong (Maguindanao), Carlos Padilla(Nueva Vizcaya) at Mitos Magsaysay (Zambales).

Pagsapit ng 10:34 ay pinatunog na ang quorum bell na nangangahulugang tinatawag na ang mga kongresista dahil kumokonti ang tao sa plenaryo.

Iginiit ni Lagman na walang pananagutan si Gutierrez sa ilalim ng betrayal of public trust na ayon kay Farinas ay sapat na batayan upang siya ay mapatalsik sa kaniyang puwesto dahil sa pagpapabaya at hindi pag-aksyon diumano sa mga kasong inihain sa kaniyang tanggapan. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply