Inutil na mga barangay tanod ni Brgy. 12 Kap. Ipot

INIREREKLAMO ng isang concerned citizen ng Brgy. 12, Caloocan City sa kanyang  barangay chairman na si Bebot “Ipot” Cruz ang mga tanod niya…kung nagdyu-duty nga ba sila pagsapit ng gabi sa kanilang barangay.

Marami raw kasing kabataan sa Blk. 39 Salaysalay ang pakalat-kalat sa hatinggabi.

Ang pakiwari niya ay nagtatayo ang mga ito ng isang tribu na maghahasik ng lagim o gangwar sa kanilang  barangay .

Aba, Tserman Cruz, delikado ‘yan, pag hindi kayo kumilos baka lumikha ‘yan ng napakalaking problema sa inyong barangay.

Basahin natin ang mga reklamo sa text message.

Gud morning, Sir Johnny.  Itatanong ko lang kay Caloocan City Brgy. 12 Chairman Bebot “Ipot” Cruz kung ang mga tanod nito ay nagdu-duty talaga? Sa Blk. 39 Salay-salay ay maraming kabataan ang pakalat-kalat pag gabi. Nagtatayo sila ng tribu para maghasik ng lagim na gangwar. Alam kaya ito ni Kapitan Ipot? Iniiputan na siya sa nasasakupan niya! Gusto yata niya na maging Tondo  ang aming barangay. Nangangarap pa namang maging  konsehal si kapitan pero dapat ay ayusin na muna niya ang Salaysalay bago siya mangarap.

Mga founder ang mag-ina na si Lumeng  at Domeng Abordo.

PULIS NA PROMOTOR NG MGA VK SA N.E.

HINDI lang pala sa San Antonio sa Nueva Ecija naglatag ng mga makina (VK) itong pulis na bata raw ni San Antonio Mayor Arvin Salonga na si PO2 Cruz.

Maging sa Cabanatuan City ay naglatag din ito ng  mga  makina.

Ewan ko ba rito kay Nueva Ecija Provincial Director Supt. Roberto Aliggayu kung bakit malakas ang pulis na ito kahit na pasimuno ng pagka-kalat ng mga salot na maki-na (VK) sa area niya.
Magkano ba PD? Itutuloy Anomang reklamo o puna ay itext lamang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply