Inutil sa gov’t pagbitbitin ng 4-6kg na maleta sa Tsina

GUMAWA kahapon ng karaban ang mga dyipni drayber at operator laban sa wala nang katapusang oil price hike o OPH. Kasama nila ang iba pang mga organisasyon at indibidwal na nakiisa sa kanila sa Metro Manila at sa mga lalawigan.

Sabi ng mga nagkaraban, sobra na, tama na ang OPH. Hindi na lang pagkalugi sa biyahe kundi paghihirap at gutom sa kanila at iba pa ang ibinubunga ng OPH.

Sapagkat ang OPH ay hindi na ordinaryong galaw ng presyo ng petrolyo kundi may halo na itong pagsasamantala.

May oberpraysing na, sabi.

oOo

Sa kabilang banda, wala namang marinig mula sa mga onorabol sa Senado, Kamara at Malakanyang kundi “wala tayong magagawa.”

Sabi ng mga onorabol sa  mga ahensiyang ito, umiiral ang Oil Deregulation Law kaya ito ang sinusunod ng mga kompanya ng langis.

Sila man ay sumusunod din sabi’y sabing “ours is a government of laws and not of men.” Ang drama ng mga ito ay nakasusuka. Kung Charter Change ang usapan, handa silang doktorin o ganap na ibasura mismo ang Konstitusyon. Pero itong batas na ginagawang laruan ng mga kompanyang langis para sila kumita ng limpak-limpak na salapi, eh, gawa ng  Bathala kaya antatsabol?
At hindi pupuwedeng retokihin at ibasura?

Dahil ginagamit ng mga kompanyang langis ang nasabing batas para sila makapagsamantala kahit ikinahihirap pa mismo ng lahat, ito ngayon ang gusto ng mga nagkaraban na gawan ng paraan ng mga onorabol.

oOo

Sobrang kainutilan ang pagsasabing walang magagawa rito, Suki.

At kung inutil ang mga onorabol, dapat ipadala sila sa Tsina, pagbitbitin ng maletang may 4-6 kilong timbang at bahala na sina Kumrad Mao sa kanila.

Bahala na sila sa kanilang mga sarili. Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply