Isa uling mediaman ang pinaslang

BINARIL at napatay kahapon ang isang kasamahan natin sa media sa kanyang lugar sa Brgy. Maysilo, Malabon City.

Sa ulo tinarget ng dalawang kriminal si Marline Flores Somera, 45, kaya tumama ang bala sa kanyang kaliwang mata at bumaon ito sa kanyang ulo.

Doon na rin nalagutan ng hininga si Marline, isang reporter at anchorwoman ng DZME radio at pangulo ng Silonian Neigborhood Association sa kanilang barangay.

Naglalakad si Marline palabas ng kanilang kalsada sa Silonian St. nang maganap ang krimen dakong alas-9:30 ng umaga.

Papasok sana si Marline sa kanyang trabaho sa DZME dakong alas-10:00 ng tanghali ngunit pinigilan na siya ng kamatayan.

Sr/Supt. Cornelio Barrios, sir, sana maposasan ninyo ang mga salarin sa pinakamadaling panahon.

Parang sanay na ang mga ito na pumatay at maaaring hindi lang si Marline ang kanilang magiging biktima.

Naririyan lang ang mga testigo na handang tumulong sa inyo upang makilala ang mga salarin.

Anoman ang motibo sa pamamaslang, pinakamahalaga na mapanagot sa batas ang mga may kagagawan nito, kabilang na ang may utak sa krimen.

CARNAPPED VEHICLE IPARADA SA KAMPO

Kay AFP Chief Lt. Gen Eduardo Oban: sana meron din kayong General Order No. 1 na nagsasabing “Ibalik sa Grandstand ng Camp Crame at Camp Aguinaldo ang lahat ng carnapped na sasakyan“ with “ultimatum” katulad ng ginawa ni noo’y PNP chief Panfilo Lacson. Maraming salamat po. 09209607155

ILLEGAL LOGGING SA QUEZON

GUDPM, Idol. Baka naman pupuwede mong aksyunan ang talamak na bentahan at hakutan ng mga troso sa Daraitan, Infanta, Quezon. Sa Sampalok, Tanay ang daan dito. Talamak ang illegal logging dito at isang kagawad ang namamahala. Sa tabi ng bahay niya ibinabagsak ang mga troso kung nagkakainitan. Pero kung maluwag ay mahihiya ang prusisyon sa dami ng bangkang pila-pila ang paghila ng troso kung gabi.  Puro mamahaling mga SUV at Mercedes Benz ang gamit sa paghahakot. Thanks po.  Dito sa Daraitan ay bawal ang uling at ito ay kinukumpiska kung makita sa mga checkpoint. Pero sa troso ay tila walang nakikita kung dumaraan. Magmula sa 7 pm ang hakutan.
Thanks ulit, Idol! 0907661

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply