Isabel Oli ‘di raw kilala si Bimby

DUMALO si Isabel Oli sa fans day ni Geoff Eigenmann last Saturday. Ayaw sanang magpa-interview ni Ms. Oli dahil nahihiya siya sa kaibigang si Geoff.

“Sana maintindihan ninyo ako. Nakakahiya kay Geoff dahil okasyon niya ito at ‘di yata tama na magpa-interview ako dito. Magkikita naman tayo sa presscon ng Captain Barbell, di ba?,” say ni Isabel sa mga entertainment writers.

Pero laking gulat namin nang pumayag itong magpa-interview sa mga TV crew. Sabi tuloy ng ilang entertainment columnist, kailangan pa ng TV para magpa-interview para sagutin ang isyu sa kanila ngayon ni James Yap?

Anyway sa interview kay Isabel ng mga TV reporters ay tigas tanggi nito sa relasyong namamagitan sa kanila ng ex-husband ni Kris Aquino na si James.

Ikinagulat nito ang interview kay Bimby, anak nina James at Kris sa telebisyon. Sinabi kasi ng anak ni Kris na si Isabel Oli raw ang girlfriend ng daddy niyang si James.

“Ha! Sinabi niya (Bimby) yun. Hindi ko siya kilala talaga. Hindi pa kami nagkikita kahit minsan. Kilala ko siya as anak nina Kris at James,” katuwiran ni Isabel.

Inamin ni Isabel, matagal na silang magkaibigan ni James. Nagkikita sila kapag may party ang mga kaibigan raw nila noon.

“Matagal na yun, Nagtataka ako kung bakit ngayon lang ito naglabasan. Si James ang maituturing kong matalik na kaibigan. Matagal na yun at hindi na ulit kami nagkikita kapag may okasyon ang mga kaibigan namin,” say pa ni Isabel

Nilinaw din ni Isabel na hindi si James ang dahilan kaya siya nakipagkalas sa boyfriend. May matinding dahilan raw ang paghihiwalay nila ng boyfriend at wala raw kinalaman doon si James.

Kung dati ay okey lang kay Isabel na magkita sila ni James sa isang okasyon. Ngayon daw ay tila nangingilag na siya dahil pilit silang  ini-link.

Again at paulit-ulit na sinabi ni Isabel na wala silang relasyon ni James.

******

Sa fans day pa rin ni Geoff Eigenmann na ginanap sa Scout Gandia corner Scout Tobias, Quezon City ay kasamang dumating ni Geoff si Carla Abellana.

Tamang-tama naman dahil karamihan ng fans ni Geoff ay tagahanga rin ni Carla kaya naman nag-enjoy ang mga ito sa pagdating ng dalawa nilang iniidolo.

Bago naki-join sa mga games ng mga tagahanga ay nakipag-tsikahan muna sina Geoff at Carla sa mga entertainment press at TV reporters.

Ayon kay Carla na super ganda at blooming ang kaseksihan, nagulat siya sa ginawang paghahanda ng kanilang fans.

Dahil malapit na ang summer, tinanong namin si Carla kung saan nila balak or may plano ba sila ni Geoff na magbakasyon?

“Actually, pareho kaming busy ni Geoff. May plano pero hindi pa sigurado. Gusto ko kasi magkakasama ang pamilya namin sa bakasyon,” say ni Carla.

Wedding plan?

“Naku! Wala pa. Bata pa kami para pag-isipan ang magpakasal. Dito muna kami sa aming showbiz career,” natatawang sagot pa ni Carla

Birthday ni Geoff sa March 23. Ask namin si Carla kung anong regalo niya? “Hindi nababalot ang regalo ko. Basta sorpresa ito para sa kanya.”

******

Mensahe ng fans ni Manny Pacquiao kay Nonito Donaire na sana raw ay hindi totoo na isa sa mga ambisyon ni Nonito na makalaban ang Pambansang Kamao.

Sana raw ibang lahi ng mga boksingero na lang ang harapin nito at sana raw ang pagtutunggalian nila ni Pacman ay hanggang guesting lang niya sa Show Me Da Manny.

Ilang beses nang nag-guest si Nonito sa SMDM kung saan gumaganap siyang pinsan ni Ella (Marian Rivera) na isa ring boksingero. Kapag busy kasi si Pacman at hindi nakapagte-taping ng SMDM, sila ni Ogie Alcasid ang nagpapalitang mag-guest sa nasabing sitcom.

Tulad din kasi ni Pacman si Nonito na mahilig din sa showbiz kaya hindi niya maiwan-iwan ang page-guest sa SMDM kapag wala siyang laban abroad

Pero nagtataka ang ilang showbiz observers dahil balitang ibi-build up siya ng husto ng Dos at bibigyan pa raw ito ng sariling show sa Kapamilya Network pero bakit sa Kapuso Network pa rin siya nagge-guest?

Ano siya, namamangka sa dalawang network? Just asking…

Samantala, nang makarating kay Nonito ang nasabing mensahe ng fans ni Pacman ay kaagad raw nagbitaw ng pahayag si Nonito na hindi raw niya aambisyuning labanan ang Pambansang Kamao. Roldan Castro

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply