Sa baril nabuhay, sa baril din namatay

ALIGAGA na naman ang showbiz sa kamatayan ng sikat na aktor na si John Apacible.

Si John Apacible ay isang Batangueño at mula sa angkan ng mga bayani ng Katipunan.

Noong Linggo ng madaling araw ay isang trahedya ang kumitil sa buhay ni John na sukat ikagulantang ng kanyang mga kaibigan at kasamahan sa showbiz mula kay Leo Dominguez na dati niyang talent manager hanggang sa peryodistang pampelikulang si Arthur Quinto na nagsabing binaril si Apacible ng kanyang tiyuhin.

“Ang ipinagtataka ko, bakit may baril na involved?” tanong ni Arthur na isang mapag-imbestigang peryodista.

Hindi nga ba’t noon ay kasangkot din si John sa isang insidente ng barilan na konektado sa isang babae?

Kaya nga ba’t dagling umugong sa balat ng showbiz na si Apacible ay nabuhay sa baril at sa baril rin namatay.

*****

Samantala, bago pa man umikot sa apat na sulok ng lipunan at ng lipunan ng showbiz na pumanaw na si John ay nag-text naman sa amin ang peryodistang pampelikulang si Alice Vergara at nagsasalaysay na patay na umano si Leo Paul Caliwara, ang movie scribe na taga-Lopez, Quezon at mas kilala sa tawag na Lollipop.

Pero nang klaruhin ng isa pang movie scribe na si Bunch Cortez ay buhay na buhay raw si Leo Paul pero sinabihan siya nitong “tanga ka” nang kumpirmahin niya rito kung ano ang totoo.

“Ang sama ng dating,” sabi ni Bunch.

*****

Masama naman ang loob ng aktor na si Joel Ortega sa stunt director na si Rey Sagum nang gawin na lang siya nitong double kay Jericho Rosales para sa soap opera ng ABS-CBN na “Greenrose.”

“No’ng una, ang sabi sa akin ni Rey Sagum, ako ang ka-fight scene ni Jericho pero ang kinalabasan ay double na lang ako ni Jericho. Tapos, binayaran lang niya ako ng P1,500. Kinaltasan pa niya ako samantalang ang laki ng kinikita niya sa amin. Sobra naman siyang manlamang,” pahayag ni Joel.

Ano kayang masasabi ni Sagum tungkol dito?

Usap-usapan din ito ng mga cinematographer na sina Arnold Alvaro, Oscar Quirejero, Rey Tomas, Roger Baruelo at iba pa sa Filipino Society of Cinematographers 3D Stereoscopic Workshop sa Matabungkay, Batangas sa pamamahala ng FSC at Plusiminus Film Camp nina Almed Garcia, ang peryodistang pampelikula at kanang-kamay sa peryodismo sa karera ni Boy Abunda at Ariel Reyes, isang indie filmmaker at cinematographer.

*****

Kabilang din sa dumalo sa palihan ang may labing-anim na seminarista (o workshopper) mula sa iba’t ibang larangan at ang may-ari ng RSVP Film Studios na si Oli Laperal na nag-oryestasyon sa mga ito tungkol sa 3D sa showbiz.

Napakalinaw ng sinabi ni Oli sa kanyang kaalaman sa makabagong teknolohiya na ginawa na sa pelikulang “Avatar” at iba pang obrang moderno ang pagkakagawa.

Nanguna rin si Isagani Sioson sa palihan at si Francis “Jun” Posadas ay dumating din noong Linggo para magsalita tungkol sa filmmaking.

Panauhing pandangal naman si direktor Jett Espiritu na naglahad ng kanyang mga karanasan sa paggawa ng pelikula sa mga teknikal at malikhaing mga bahagi ng produksyon. Boy Villasanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply