Israel ex-Pres. kulong ng 7 taon

HINATULAN ng pitong taong pagkakakulong ang dating Israeli President Moshe Katsav sa kasong rape at sexual harassment.

Inireklamo ang dating lider ng dalawang babaeng empleyado niya sa Office of the President
at ang isa naman ay ay empleyado rin niya sa Ministry of Tourism noong siya pa ang Minister ng torismo.

Si Katsav ay naging Presidente ng Israel taong 2000 hanggang mag-bitiw sa tungkuling taong 2007 dahil sa alegasyon ng rape at sexual harassment.

Ayon sa tatlong judges na humawak ng kaso “due to the severity of the crime, the punishment must be clear and precise. All are equal in the eyes of the law.”

Pagkababa ng hatol ay kaagad naman sinigawan ng dating presidente ang mga hurad na “hinayaan ninyong manaig ang kasinungalingan”.

Nakatakdang simulan ang kanyang sentensya sa Mayo 8 subalit ayon sa kanyang mga abogado ay i-aapela nila ang naturang desisyon. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply