James Blanco nagsisisi sa pagsampa sa Dos

SA huli ang pagsisisi ni James Blanco pero ginawa naman dahil gusto niya ito kaya okey lang sa kanya ang nangyari sa kanyang career sa ABS-CBN kung saan gumawa siya ng  “Utoy” (na hanggang sa ngayon hindi pa napapalabas sa ere at nagbibinata na ang bidang si Makisig Morales).

Ganu’n pa man nagpapasalamat siya sa pagtitiwala sa kanyang kakayahan at ilang shows din ginawa niya rito. Kasalukuyang nasa poder siya ni Annabelle Rama kaya namamayagpag ang actor sa TV5, isa na rito ang proyektong “Mga Nagbabagang Bulaklak”.

JAMES HINDI MASISIKMURA ANG MAG-FRONTAL NUDITY

HANGGANG pagbi-briefs lang ang kaya ni  James Blanco. Hindi niya masisikmura ang mag-frontal nudity dahil mayroon na siyang dalawang anak.

Naikuwento sa amin ni James na apat na taon siyang naging tigang (sa pag-arte sa harap ng kamera) ang showbiz career. Sa apat na taong ‘pamamahinga’, maganda naman ang naging resulta.

Mayroon silang negosyo ng kanyang asawa, ang beauty salon at restaurant (Paseo de Sta. Rosa). Maganda naman ang kanilang negosyo at nakapagpundar sila para sa kinabukasan ng kanyang pamilya.

PINAGTATAWANAN ANG  ISYUNG GAY BENEFACTOR

Pinagtatawanan naman ni  James ang isyung mayru’n siyang gay benefactor kesyo ang kotse niya ay bigay daw ng mayamang bading.

Depensa naman ni James, mula ito sa pagpursige nilang mag-asawa na magkaroon ng sasakyan, ‘yun nga mula sa kanilang mga negosyo.

Ganu’n naman daw talaga sa showbiz, may kakambal itong intriga kaya hindi na niya pinapansin ang anumang walang katotohanang isyu.

MAHILIG SA TISAY

Inamin naman ni James na mahilig siya sa tisay.

Yes, maraming tisay sa “Mga Nagbabagang Bulaklalak” na pinagbibidahan nina Arci Munoz at Ritz Azul. Kasama rin sina Ruffa Gutierrez, Richard Gomez, Phillip Salvador, Carla Humphries and others na magsisimula na sa
Lunes, Marso 21 pagkatapos ng “Babaeng Hampaslupa”.

Yes, isang tisay ang asawa ni James na isang branch manager ng isang sikat na fashion business at hindi ito selosa. Papanoorin pa nga nito raw ang kissing scenes ni James kay Arci Munoz.

ISABEL OLI TARGET NG BAGONG PAG-IBIG NI JAMES JAP

Kaibigan ni Ronald Singson na si Jomari Yllana, target ng galit ng amang si Gov. Chavit? Yassie Pressman, target ng mga fans!

Magpadala ng mga tanong sa SC fanpage at baka ma-target n’yo ang premyo  kapag kayo ang  napiling top question ng young dance diva.

Isabel Oli, target ng bagong pag-ibig ni James Yap? Ang kanyang pag-amin, abangan. 

Walang kawala sa  target ng intriga sa “Showbiz Central”!

CAST NG ‘GREEN ROSE,’ GINAW NA GINAW SA KOREA.

Tumungo papuntang Korea ang main cast ng ‘Green Rose’ para kuhanan ang ilang mahahalagang eksena. Dahil sa tindi ng lamig sa nasabing bansa, ginaw na ginaw at medyo hirap magsalita sa mga eksena sina Jericho Rosales, Anne Curtis, Jake Cuenca, Alessandra De Rossi at Smokey Manaloto.   Joe Cezar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply