James sa Wizards gumanti

SINIGURO ni LeBron James na hindi nila malalasap ang ikalawang sunod na kabiguan kaya naman tumikada ito ng 35 puntos at tig walong rebounds at assists upang igiya ang Miami Heat sa panalo kontra Washington Wizards, 123-107 sa nagaganap na 2010-’11 National Basketball Association regular season kahapon.

“I take a loss hard, no matter who it’s against,” sabi ni James bago mag-umpisa ang kanilang laro. “I don’t like to lose—especially when you know we could have done things better.”

Umuusok ang Heat ng 13 puntos subalit inagapan ito ng Wizards sa isang puntos sa fourth canto matapos ang 3-pointer ni Jordan Crawford may 9:30 minuto pa ang nalalabi sa laro.

Agad naman sumagot si Heat guard Dwyane Wade ng isa ring 3-point play para hindi na muling makadikit ang Washington.

Kumana si Wade ng 33 pts. siyam na assists at tatlong boards habang 26 ang isinalpak ni Chris Bosh upang pagandahin ang kanilang team standing na 51-23 win-loss card sa Eastern Conference Southeast division.

Nasipa sa laro ang best player ng Washington na si No. 1 draft pick John Wall at Miami reserves Zydrunas Ilgauskas at Juwan Howard na nakisali sa gulo matapos sikuin ng pangalawa ang una.

Mahigpit na binabantayan ni Wall ang 7-foot-three inches na si Ilgauskas at habang pino protektahan ng huli ang bola ay nasiko nito ang una sa mukha.

Gumanti naman si Wall ng iwasiwas nito ang kanyang kamay kay Ilgauskas upang magkaroon ng tensyon sa hard court.

Na delay ng 10 minuto ang laro upang pag-isipan ng mga officials ang desisyong ipapataw habang pinanonood ang replay.

Si Wizards guard Crawford na kagaya ni Wall na isang rookie ay tumikada ng 39 puntos, apat na assists at talong rebounds habang si Maurice Evans ay gumawa ng 21 points at five rebounds kabilang ang 3-of-5 sa three point area.

Samantala, desididong angkinin ng Chicago Bulls ang top spot sa EC matapos daigin ang Minnesota Timberwolves, 108-91 habang pinalalakas naman ng Indiana Pacers ang tsansa nilang makapaglaro sa playoff ng talunin nila ang Detroit Pistons, 111-101. Elech Dawa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply