Janitor pinaglagay ng catheter sa pasyente sa Cebu

INUTUSAN ang isang janitor para maglagay ng catheter sa isang pasyente sa Bantayan District Hospital sa Cebu.

Ito ang napag-alaman matapos magreklamo ang isang pasyente ng naturang hospital na si Astero Rivera, 68, ng Brgy. Ticad Bantayan, na umiihi na siya ng dugo matapos
malagyan siya catheter ni Arturo Abello, janitor ng naturang hospital.

Pumunta umano ang biktima sa ospital dahil hindi ito makaihi ng halos tatlong araw. Subalit hindi ang medical personnel ang nagsagawa ng paglalagay ng catheter kundi ang nasabing janitor.

Kinumpirma ni Dr. James Najaro ng naturang ospital na si Abello nga ang nagsagawa ng paglalagay ng catheter dahil umano ito sa dami ng pasyente.

Ikinatuwiran pa niya na sinanay na ng ospital ang janitor na maglagay ng catheter.

Ayon sa doktor, nahirapan din siya sa pagpasok ng catheter kaya pinayuhan niya ang biktima na pumunta sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC), naturang lungsod.

Ayon naman sa VSMMC, sanhi ng hindi maayos na pagkakasalpak ng catheter kung kaya umiihi ng dugo ang biktima.

Pinapaimbestigahan na ni Bantayan Mayor Ian Chris Escario ang naturang insidente. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply