Japan lumapit sa Amerika

MAS lumapit ang bansang Japan sa Amerika bunsod ng malakas na lindol na may magnitude 9.0 habang naapektuhan din maging ang haba ng isang araw.

Ito ay batay sa mga eksperto sa US Geological Survey, mas lumapit umano sa Amerika ang Japan bunsod ng malakas na lindol.

Nabatid sa isang geophysicist na si Ross Stein ng USGS na 13 talampakan na mas malapit ang Japan sa Estados Unidos.

Napag-alaman din na nagdulot ng 15 milya na bitak sa ilalim ng dagat ang naturang lindol.

Maging ang axis ng mundo ay nagbago rin ng 6.5 inches.

Kaugnay nito, nabawasan ng 1.6 microseconds ang haba ng isang araw at nagpalubog sa Japan ng dalawang talampakan.

Nabatid din sa USGS, sa pagtama ng lindol, ang bigat ng mundo ay nalipat sa sentro dahilan upang mas mabilis ang ikot ng mundo sa araw. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply