Japan may bagong foreign minister

INILUKLOK bilang bagong Foreign Minister ng Japan si Takeaki Matsumoto.

Pinalitan ni Matsumoto si dating Foreign Minister Seiji Maehara.

Kinuwestiyon si Maehara sa kanya umanong pagtanggap ng kontribusyon galing sa isang South Korean national na naninirahan sa kanilang bansa.

Sa batas ng Hapon, bawal tumanggap ng pera ang sinumang pulitiko sa mga dayuhan.

Sinasabing umabot sa 250,000 yen o 3,000 dolyar ang naibigay ng koreano kay Maehara.

Ang sinundan ni Matsumoto ay naglingkod lang ng anim na buwan sa kanyang puwesto. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply