Japan nakararanas pa rin ng aftershocks

NAGTALA pa ng ilang aftershocks ang Japan, Sabado ng umaga, Marso 12.

Ayon kay Philippine Ambassador to Japan Manuel Lopez, kasalukuyang mahirap ang komunikasyon sa ilang parte ng Japan at tanging nakasalalay lamang sila sa internet.

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ng ambasador ang mga kaanak na nasa Pilipinas na magbigay kumpletong impormasyon hinggil sa kanilang pamilya na nasa Japan gaya ng kompletong address at contact number upang madali silang mahanap.

Sinabi pa ng ambasador na hihingi siya ng tulong sa mga awtoridad doon para malaman ang kalagayan ng mga Pilipino sa Natori, Miyagi Prefecture na sentro ng lindol kahapon ng hapon. Remate Online

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply