Japan nilindol ng 7.2 magnitude: Tsunami alert sa Pinas binawi

BINAWI ng mga seismologists ang posibilidad na magkaroon ng tsunami sa Pilipinas makaraang magkalindol sa Japan na may lakas na magnitude-7.2.

Ngunit ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, patuloy pa rin ang pagmomonitor sa posilibidad na magkaroon ng tsunami makaraan ang malakas na pagyanig na naitala bandang 10:45 a.m.

“Yan ang binabantayan namin, posible sa Japan may warning na tsunami. Pero tingin natin malayo na rin … Ang nakalagay sa tsunami warning center sa Hawaii di na magkakaroon ng threat sa malayuang lugar. Posibleng doon sa Honshu pero sa malalayong lugar di makakaapekto,” ayon kay Phivolcs director Renato Solidum Jr. sa panayam sa dzBB.

Ayon sa inisyal na report ng United States Geological Survey, naitala ang pagyanig bandang 10:45 a.m., Manila time.

Natagpuan ang epicenter nito sa east coast ng Honshu, 211 km east ng Sendai, Honshu, Japan; 245 km southeast ng Morioka, Honshu, Japan; may layong 252 km northeast sa Iwaki, Honshu, Japan; o 430 km northeast mula sa Tokyo.

Samantala, nabatid kay Solidum na niyanig ng lindol ang Davao area sa Mindanao, Miyerkules ng umaga, Marso 9, na may magnitude-3.5.

Ayon pa kay Solidum, natagpuan ang epicenter nito sa 54 km southwest ng Mati town, at naramdaman sa Governor Generoso sa Davao Oriental.

“Hindi ito damaghing,” ayon kay Solidum. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply