Japan nuke crisis level 6 na

LEVEL 6 na ng nuclear crisis sa Japan, ito ay pahayag ni France Nuclear Safety Authority President Andre-Claude Lacoste.

Isang level na lang umano ay magiging katulad na ito sa Chernobyl tragedy dahilsa pagkakasunog at pagsabog ng mga reactors ng Fukushima Daiichi nuclear power plant.

Ang level sa nuclear plant ay batay sa International Nuclear and Radiological Event Scale kung saan ang Level 7 ang pinakamataas at ito ang itinaas na level bago naganap ang pagsabog ng nuke plant sa Chernobyl.

Ayon sa Japan, nasa Level 4 pa lang ang Fukushima Daiichi plant. Hindi naman nakakapagpalabas ng bagong alert level ang International Atomic Energy Agency pagkatapos ng panibagong pagkasunog ng isa pang reactor nito.

Sa pahayag ni Dr. Kirby Kemper ng Florida State University, hinihinalang nasa paligid lang ng planta napupunta ang inilalabas nitong radioactive materials kaya dapat umanong suriin ng mga otoridad sa Japan ang lupa sa paligid ng nuclear plant.

Samantalang tumaas na ng sampung porseyento ang radiation level sa Tokyo at pinayuhan ng isang nuclear expert ang mga tao doon na maglagi muna sa loob ng bahay at isarado ang mga bintana para hindi makalanghap ng maruming hangin. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply