Japanese govt: Wag kainin ang gulay galing Fukushima

NANAWAGAN ang pamahalaan ng Japan sa mamamayan nito na huwag kumain ng mga produktong gulay gaya ng spinach at cabbage na galing sa Fukushima Prefecture, kung saan matatagpuan ang napinsalang nuclear power plant.

Inihayag ni Prime Minister Naoto Kan ang babala, Miyerkules ng umaga makaraang makumpirma nila na mas mataas na naman kaysa sa legal limits radiation levels sa mga gulay na mula sa Fukushima.

Kabilang sa mga gulay mula sa Fukushima na ipinagbabawal kainin ay ang mga leafy vegetable gaya ng spinach, cabbage, komatsuna, broccoli at cauliflower.

Naglabas na rin si Kan ng instructions na ipagpaliban muna ang shipments ng turnips mula sa Fukushima kasama rin ang parsley at raw milk mula naman sa kalapit ng Fukushima na Ibaraki.

Ayon sa Japan health ministry, na-detect sa  kukitachina (isang leafy vegetable) ang radioactive cesium na may level na 164 beses ang taas kaysa sa legal limit. Ito ay nang i-test ang sample ng kukitachina mula sa Fukushima noong Lunes, Marso 21. NHK

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply