Japeth Aguilar, balik laro sa Smart-Gilas

MAGKAHALONG sigla at agam-agam ang sasalubong sa Smart-Gilas Nationals sa pagpapatuloy ng laro nito sa ginaganap na 36th PBA Commissioner Conference.

Kasunod ito ng pagbabalik sa laro ng 6’9 na si Japeth Aguilar na matataon sa laban nila kontra Alaska Aces sa Marso 4 sa Araneta Coliseum.

Nagpahinga ng ilang buwan si Aguilar upang magpagaling ng injury.

Makahahalili si Aguilar ni Mac Baracael na magpapagaling sa loob ng 6 linggo kasunod ng pagkakalinsad ng hintuturo ng kaliwang kamay.

Natamo ng 6’4 forward ang pilay sa daliri sa last quarter ng laban nila ng Talk ‘N Text resulta ng paghataw ni Paul Harris.

Mahalaga si Baracael sa team dahil sa unang laro ay nakapagtala siya ng 12 puntos, kabilang ang 2 triples, 2 rebounds at 3 assists.

Subalit sa pagpasok ni Aguilar dala niya ang puwersa sa ilalim at malaking tulong sa rebound.

Sa kabila ng nagiging kakulangan ng Smart-Gilas sa pagkawala ni Baracael, naghahanda na si coach Rajko Toroman ng ibang set plays na aangkop sa pagbabalik ni Aguilar. RT/GP

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply